Kasado na ang isasagawang first quarter nationwide simultaneous earthquake drill ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Cebu City sa Marso 31, alas-2:00 ng hapon.
Ayon sa NDRMMC, bagamat sa Cebu ang sentro ng aktibidad, inaanyayahan nila ang lahat sa buong bansa na sumabay sa pag-duck, cover at hold at gamitin ang official hashtag na bida ang handa (#bidaanghanda).
Kalahok din sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ilang pribadong kumpanya.
Binigyang-diin ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na mahalagang ma-refresh o ialertong muli ang kaalaman ng publiko sa mga dapat gawin tuwing may lindol lalo na kapag tumama ang ‘The Big One’.
By Meann Tanbio
Photo Credit: OCD website