Muling dumagundong ang hiyawan at sigawan ng nasa 20,000 fans ng defending champion Golden State Warriors sa Oracle Arena, Oakland, California.
Ito’y matapos masungkit ng Golden State ang 2-0 lead kontra Cleveland Cavaliers sa Game 2 ng best of seven series ng NBA Finals, kanina.
Inilampaso ng Warriors ang Cleveland sa kanilang paghaharap sa iskor na 122-103.
Gaya ng dati, ini-angat ni Stephen Curry ang defending champions matapos magpakawala ng 33 points, 7 rebounds at 8 assists habang sumalaksak ng double-doubles 29 points at 13 assists si Lebron James para sa Cavs.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa game 3 at sa pagkakataong ito ay sa homecourt naman ng Cavaliers sa Quicken Loans Arena, sa Cleveland, Ohio sa Huwebes.