Hawak na ng defending champion Golden State Warrios ang 2-0 lead sa NBA Finals kontra Cleveland Cavaliers.
Inilampaso ng Golden State ang Cavaliers sa score na 110-77 sa ikalawang game ng best of seven series.
Gaya ng inaasahan, iniangat ni Stephen Curry ang Warriors makaraang kumamada ng 18 points subalit mas nanaig ang ipinamalas na depensa at opensa ng kanilang forward na si Draymond Green na nag-ambag ng 28 points, 7 rebounds at 5 assists.
Maituturing namang low scoring game para sa Cavaliers ang 2nd round dahil sa tila pangangamote ng kanilang star player na si Lebron James na sumalaksak ng 19 points at pag-alis sa game ng kanilang forward na si Kevin Love.
Bagaman liyamado ang Warriors sa dalawang game, aminado si Coach Steve Kerr maging ang iba pang miyembro ng koponan na hindi sila nagpapaka-kampante.
Ito’y dahil hawak ng Cleveland ang homecourt advantage sa muling paghaharap ng team sa balwarte ng Cavaliers sa Quicken Loans Arena, sa Cleveland, ohio, sa Huwebes.
By Drew Nacino