Patuloy ang pagbaba ng inflation rate ng bansa nitong Mayo.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 2.1% inflation noong nakaraang buwan.
Bahagyang bumagal ito sa naitalang 2.2 inflation nitong abril gayundin sa 3 point percent noong Mayo ng nakaraang taon.
Ayon sa PSA, pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation ang pagbaba sa transportation prices nitong mayo bunsod na rin ng ipinatupad na community quarantine.
Gayundin ang pagbaba ng presyo ng mga produktong pagkain, non-alcoholic beverages, damit, sapatos, kagamitan sa bahay at mga bagay na may kinalaman sa recreation o libangan.