Umabot na sa 2.2 Milyong balota ang na-i-produce ng Commission on Elections nang simulan ng national printing office ang pag-i-imprenta, noong Pebrero 18.
Ayon kay Genevieve Guevarra, Head ng COMELEC Printing Committee, sa katunayan ay naabot na nila ang target na makapag-produce ng higit 1 milyong ballots kada araw.
Karamihan anya ng mga inimprenta ay para sa mga overseas voter sa milan, Italy; Ottawa at Vancouver sa Canada habang kumpleto na rin ang mga balota para sa Basilan at Tawi-Tawi.
Samantala, nag-resume na ang verification process ng mga compact flash cards matapos dumating ang mga ito, kagabi.
Kampante naman ang COMELEC na maaabot nila ang target na 56.7 million ballots sa takdang oras o bago ang May 9 elections.
By: Drew Nacino