Maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa rehiyon ng Ilocos, mga lalawigan ng Benguet, Cagayan, Zambales, Bataan at mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, tulad ng Visayas at Mindanao.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Samantala, dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahang mabubuo at papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Setyembre.
Ayon sa rainfall outlook ng PAGASA ngayong buwan, ilang lugar pa sa bansa ang makararanas ng above normal rainfall habang ang ilang bahagi sa Davao Region ay makararanas naman ng below normal rainfall.
Habang nasa 55 hanggang 60 percent ang tiyansa ng pagtama ng La Niña phenomenon sa bansa.
By Rianne Briones