Dalawa hanggang apat na bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR bago matapos ang Agosto.
Sinasabing posibleng mabuo ang unang bagyo sa darating na Lunes, habang ang ikalawang bagyo naman ay sa Biyernes.
Samantala, asahan pa rin ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ na nakakaapekto sa southern Luzon at Visayas.
By Meann Tanbio