Umabot sa 2.5 milyong Pilipino ang nabakunahan kontra COVID-19, sa unang araw ng national vaccination drive.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na ito’y base sa datos na nakalap ng kanilang vaccination reporting system.
Matatandaang sinabi ng pamahalaan na target nitong mabakunahan ang 3 milyong indibidwal sa loob ng tatlong araw na bakunahan ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Año na may mga lugar na nabigla sa pagdagsa ng tao, ngunit na-kontrol naman ito ng mga LGUs.
Dagda pa ni Año, nasiyahan aniya ang gobyerno sa naging resulta ng unang araw ng “Bayanihan, Bakunahan” program ng pamahalaan.
Samantala, nakatakdang isagawa ang second round ng pagbabakuna sa Disyembre 15 hanggang 17.—mula sa panulat ni Joana Luna