Aabot sa dalawa punto apat na milyong senior citizens ang hindi pa rin bakunado kontra COVID-19.
Ito’y ayon kay Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje, ay dahil sa pagtanggi ng ilang lolo at lola sa katuwirang matanda na sila at naghihintay na lang mamatay.
Gayunman, ipinunto ni Cabotaje na hindi naiintindihan ng ilang senior citizen na kapag nagkasakit sila ay maaapektuhan din ang kanilang pamilya.
Batay sa datos ng NVOC, 68% ang nakatanggap na ng unang dose, habang 70% ng matatanda ay fully vaccinated na.
Kabilang anya sa kanilang hakbang na pinag-iisipan para mabakunahan ang mas maraming seniors ay gawing mas mabilis at maginhawa ang proseso para sa kanila.
Halimbawa nito ay ang paghahanap ng mga vaccination center na mas malapit sa mga lugar kung saan maraming senior citizens para hindi na sila bumiyahe nang malayo.