Higit sa P10 bilyong halaga ng tulong ang naipamahagi na sa 2.5 milyong pamilya sa ilalim ng inisyatibang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang ibinahagi ni House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, kasabay sa pagdiriwang ng unang taon ng naturang programa.
Ayon kay Gabonada, nakarating na ang BPSF sa 21 lalawigan sa 17 rehiyon sa loob ng isang buong taon.
Kaugnay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na makakaasa ang mga Pilipino na hindi titigil ang kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng mga inisyatibo na layong paigtingin ang serbisyo sa publiko.