Inihayag ng World Health Organization (WHO) na nanatili pa rin sa 2.5M ang mga senior citizens na hindi pa nababakunahan.
Ayon kay acting WHO Philippine Representative Doctor Rajendra Yadav, kahit isang dose ng bakuna kontra COVID-19 ay hindi pa naibibigay sa kanila.
Dadag pa ni Yadav, na malalagay sa panganib ang buhay ng mga senior citizens na wala pang bakuna dahil mas marami na ang pinapayagang lumabas at unti-unti nang lumuluwag ang mga restrictions.
Binanggit ng opisyal, na kabilang sa mga lugar na marami pang senior citizens ang hindi pa nababakunahan sa Cebu, Negros Occidental, Batangas, Cavite at Bulacan.