Tinatayang 2.7 million pang mga sasakyan sa Pilipinas ang walang plaka.
Ayon kay Asssitant Secretary Roberto Cabrera, hepe ng Land Transportation Office o LTO, kung tutuusin ay nabawasan na ito dahil sa naipamahagi nilang 300,000 plaka na nagmula sa Bureau of Customs.
Sinabi ni Cabrera na kung tutuusin ay naayos na sana nila ang backlog ng LTO sa plaka kung hindi sa disallowance na ginawa ng Commission on Audit o COA sa kanilang mga ipinagawang mga plaka.
Bahagi ng pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Roberto Cabrera
Dahil dito, nagpahayag ng suporta si Cabrera sa panukalang bigyan ng emergency powers si incoming President Rodrigo Duterte upang matugunan ang problema ng bansa kabilang na ang problema sa traffic.
Ayon kay Cabrera, maraming proyekto ang pamahalaan ang malimit na bumabagal dahil sa legal na proseso tulad ng mga naghahain ng petisyon sa Korte Suprema.
Bahagi ng pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Roberto Cabrera
93% nai-distribute na
Samantala, tila nahuli na ang Korte Suprema sa pagpigil sa pamamahagi ng LTO o Land Transportation Office ng mga plaka na nagmula sa Bureau of Customs (BOC).
Matatandaan na tinatayang 400,000 imported na plaka ang kinumpiska ng Bureau of Customs dahil sa kabiguan ng importer na magbayad ng buwis at ibinigay ito sa LTO para matugunan ang problema sa kawalan ng plaka.
Ayon kay Assistant Secretary Roberto Cabrera, hepe ng LTO, 93 porsyento na ng mga plakang nagmula sa BOC ang naipamahagi na nila mula pa noong Abril.
Ang 7 porsyento anya ng plaka na inabutan ng TRO ng Korte Suprema ay nakalaan na lamang na pamalit sa mga lumang plaka.
Sinabi ni Cabrera na apektado nito ang mga nakapagbayad na ng P450 pesos para mapalitan ang kanilang lumang plaka.
Bahagi ng pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Roberto Cabrera
By Len Aguirre | Ratsada Balita