Dalawang siyam na buwang gulang na sanggol ang kabilang sa mahigit 20 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Cebu.
Ayon sa Department of Health (DOH)-Region 7 , babae at lalaki ang mga sanggol na nahawahaan ng nasabing virus.
Sa ngayon naitala ang 53 kaso ng COVID-19 sa Cebu City kung saan 21 rito ay mula sa Sitio Zapatera, Barrio Luz at isa naman mula sa Barangay Guadalupe.
Ipinabatid ng sa DOH-Region 7 na nasa 68 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Isang kaso ang niatala sa Bohol, tatlo sa lalawigan ng Cebu, tig-apat sa Negros Oriental at Lapu Lapu City at tatlo sa Mandaue City samantalang nananatiling COVID-19 free ang Siquijor.
Nasa 23 naman ang nag negatibo at walo ang naitalang patay dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.