Nakapag-enroll na ang tinatayang 91 porsiyento ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa para sa nalalapit na school year na magsisimula sa ika-24 ng Agosto.
Ito’y batay sa datos ng Department of Education (DepEd) kung saan mahigit 20.5-milyong estudyante na ang nakapagpatala sa mga public schools habang mahigit 1.2-milyon naman sa mga pribadong paaralan.
Nanguna naman sa may pinakamaraming enrollees ang Calabarzon region na mayroong higit 2.9-milyon habang pinaka-kaunti sa Cordillera Administrative Region (CAR) na mayroong mahigit 333,000 enrollees.