Patay ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa nangyaring engkuwentro sa Patikul, Sulu.
Kinilala ng Philippine Army ang dalawa sa mga nasawing bandido na sina Barak Ingog na sinasabing tumulong sa pambobomba sa Jolo Sulu Cathedral noong Enero at Nasser Sawadjaan, umano’y pamangkin ni Abu Sayyaf Leader Hatib Hajaan Sawadjaan.
Ayon kay Task Force Sulu Commander Brigadier General Divino Rey Pabayo Jr., naka-engkuwentro ng mga sundalo ang nasa apatnapung (40) mga hinihinalang Abu Sayyaf member na pinamumunuan ni Almijer Yada sa Barangay Bangkal, alas-3:45 ng hapon kahapon.
Tumagal ang bakbakan ng apatnapung (40) minuto kung saan dalawang sundalo ang bahagyang nasugatan pero kasalukuyang nasa maayos na aniyang kalagayan.
(May Ulat mula kay Jaymark Dagala)