Patay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa ikinasang operasyon ng militar at pulisya sa Tawi-Tawi.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Jul Haber Alyas Black Shabu o “Toks” at Kamsel Ampang na pawang sinasabing sangkot din sa transaksyon ng ilegal na droga.
Ayon kay Western Mindanao Command Spokesman Major Arvin Encinas, nasukol ang dalawang Abu Sayyaf member sa Barangay Taruk sa bayan ng Tandubas kung saan nagkaroon ng 10 minutong palitan ng putok.
Narekober naman sa mga ito ang ilang matataas na kalibre ng armas, bala, granada, ilang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
Agad naman itinurn-over sa Tandubas Municipal Police Station ang bangkay ng dalawang Abu Sayyaf member habang nasa kustodiya ng Barangay Taruk ang asawa at anak ng isa sa mga ito. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)