Arestado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 2 African national matapos maharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pamemeke ng passport.
Kinilala ng ahensya ang mga suspek na sina adraman issa mariam at halime abba souleymane (su-lay-man) na kapwa citizen ng central african republic of chad.
Ayon kay BI Port Operations Chief Atty. Carlos Capulong, nadiskubre ng kanilang mga tauhan na gumagamit ang dalawang dayuhan ng pekeng Canadian passports at nagpapakilalang mga canadian citizens.
Sa report ng BI, dumating sa NAIA terminal 3 ang dalawa sakay ng isang emirates flight mula sa dubai kung saan, agad silang isinailalim sa kumpirmasyon ng mga immigration officials.
Dito na napag-alaman na peke ang bitbit nilang canadian passports dahilan para ilagay sa blacklist ang dalawang African national upang hindi na muling makapasok ng Pilipinas.