Pinakawalan na ang dalawang ibong una nang nahuli ng isang magsasaka sa M’lang sa North Cotabato.
Ayon kay Dario Laydan, Park and Wildlife Officer ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mga nasabing ibon ay itinuturing na ikalawang pinakamaliit na eagle specie na sunod sa Falconet at kadalasang tumitira sa mga barado at mapuputik na lugar.
Sinabi ni Laydan na ang mga naturang ibon ay nabibilang sa pamilya ng Philippine eagle at aniya’y unti-unti nang nauubos ang lahi.
Ang mga naturang ibon ay uubrang mamuhay sa Liguasan Marsh na nagse-stretch mula North Cotabato at Maguindanao.
By Judith Larino