Timbog ang dalawang anak ng isang konsehal sa Maynila dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Sina Janet at Jonathan Fajardo ay ipinadampot mismo ng ama nilang si Manila First District Concilor Jess Fajardo sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo.
Arestado rin ang live in partner ni Janet na si Michael Kuwaresma at tatlong iba pa.
Ang mga suspek ay hawak na ng mga otoridad at nakatakdang kasuhan nang paglabag sa Dangerous Drugs Act.