Dalawang (2) anak lamang sa kada pamilya ang imumungkahi ng Commission on Population o POPCOM upang mapabagal ang paglobo ng papulasyon ng Pilipinas.
Ayon kay Dr. Juan Antonio Perez, Executive Director ng POPCOM, mahalagang magkaroon ng disiplina ang mag-asawang Pilipino sa harap ng pagpalo ng populasyon sa 105 million.
Sinabi ni Perez na paiigtingin nila pagtuturo ng responsableng pagpapamilya lalo na sa Bicol region, western Visayas at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung saan naitatala ang pinakamaraming bilang ng nanganganak.
Sa ngayon anya ay nasa lima ang karaniwang bilang ng anak ng isang pinakamahirap na pamilyang Pilipino.
By Len Aguirre