Tuloy na ang pagbili ng Philippine Navy ng dalawang anti-submarine helicopters na nagkakahalaga ng P5.4 billion pesos.
Ayon kay Defense Usec. Fernando Manalo, ang pagbili sa naturang mga helicopter na kayang lumaban sa pag-atake ng mga submarine ay bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang pagbili sa naturang mga helicopter ay nakabase sa pag-upgrade sa dalawang frigates ng Philippine Navy.
By Katrina Valle | Jonathan Andal