Hindi makaaapekto sa ipinatutupad na alert level 2 sa Metro Manila ang dalawang taong gulang na lalaking nag-positibo sa COVID-19 matapos bumisita sa isang mall.
Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isolated case lamang at hindi pa mabatid kung saan nakuha ng bata ang nasabing sakit.
Ipina-alala naman ni Vergeire sa publiko na sumunod sa public health standards at iwasan munang dalhin ang mga bata sa matataong lugar.
Marami anyang rason kung bakit nagkasakit ang paslit at maaaring sa bahay nito nakuha ang COVID-19 na posibleng dala ng nakatatanda niyang kasama na lumalabas at nagtatrabaho.
Ipinunto ni Vergeire na ang layunin ng pagpapahintulot sa mga batang lumabas sa ilalim ng alert level 2 ay magpa-araw at magkaroon ng ehersisyo sa halip na dalhin sa mga mataong lugar. —mula sa panulat ni Drew Nacino