Nasawi ang isang 2-anyos na batang lalaki habang isinugod naman sa ospital ang apat (4) pang miyembro ng kanilang pamilya matapos umanong malason ng inulam na isdang butete sa Barangay Bulalacao sa bayan ng Presentacion, sa Camarines Sur.
Nakilala ang nasawi na si Anthony Rosales habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang kanilang magulang na sina Antonio, Arlen Rosales at mga kapatid na sina Marilene at Susan, parehong nakatira sa nabanggit na barangay.
Batay sa report na natanggap ni Senior Inspector Ma. Luisa Calubaquib, Information Officer ng Camp General Simeon Ola, matapos mananghalian ng mag-anak ay nakaramdam na sila ng pananakit ng tiyan at nagsuka.
Kaagad na dinala sa Presentacion Rural Health Unit ang mga ito pero idineklarang dead on arrival si Anthony.