Natapos na ang dalawang araw na programang “Bayanihan Bakunahan” ng Department of Health (DOH) sa bayan ng Basco, Batanes.
Ang bakuna ng Moderna ang ipinamahagi para sa 104 na nakatanggap ng kanilang booster dose.
Habang pito naman ang nakatanggap ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa kanilang unang doses at tatlo ang tumanggap ng Sinovac bilang ikalawang dose.
Samantala, higit 4,000 dose ng Pfizer ang nakalaan na para sa una at ikalawang dose ng bakuna sa mga batang edad lima hanggang labing-isa.
Hinihintay pa ngayon ang opisyal na anunsyo ng Provincial Health Office kung kelan sisimulan ang pediatric vaccination sa mga nabanggit na edad. —sa panulat ni Abby Malanday