Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 2-day Motorcycle Consultation Workshop ngayong araw sa bagong gusali ng ahensya sa Pasay City.
Layunin nitong makabuo ng action plan upang mapabuti ang daloy ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa NCR.
Mismong si MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga, III ang nanguna sa nasabing workshop.
Kabilang naman sa lumahok ang mga motorcycle TNVS at asosasyon, mga kinatawan mula sa DPWH, DOTR, LTO, LTFRB, PNP-HPG at LGUs gayundin sina Representative Rodge Gutierrez at Representative Bonifacio Bosita ng 1-Rider Party List.