Nagsimula na ngayong araw ang dalawang-araw na tigil pasada ng grupo ng mga drayber sa Bacolod City.
Ito ay upang ipanawagan ang mabilisang pagbibigay ng ayuda sa harap ng taas-presyo sa langis.
Ayon kay Albert Villanueva ng sentrong samahan ng mga tsuper at operators Negros (SSTONE), ang gawain ay para sa lahat ng drayber sa probinsya na hindi pa nakakatanggap ng subsidy.
Bukod sa mas mabilis na pamamahagi ng ayuda, hinihiling din ng grupo ang pagsuspinde sa Value Added at fuel excise taxes.
Tatagal ang tigil-pasada hanggang martes ng hapon.—sa panulat ni Abby Malanday