Muling magkakasa ng dalawang araw na malawakang tigil-pasada ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON sa Disyembre 4 at 5.
Ayon kay PISTON President George San Mateo, ang nakatakdang transport strike ay bilang pagtutol sa planong pag-phaseout sa mga lumang jeepney ng pamahalaan simula sa Enero 1 ng susunod na taon.
Iginiit ni San Mateo na tanging mga malalaki at dayuhang negosyante lamang ang makikinabang sa jeepney modernization ng pamahalaan.
Dagdag ni San Mateo, paraan lamang aniya ito ni Pangulong Duterte para magpapogi sa mga lokal at dayuhang kapitalista.
Makikiisa rin sa nakatakdang dalawang araw na transport strike ang iba pang grupo tulad ng Kilusang Mayo Uno o KMU, Gabriela at BAYAN.
—-