Arestado ang dalawang suspek na umano’y nagbebenta ng prepaid sim card na mayroong verified e-wallet accounts.
Ayon sa mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), inaresto ang dalawang suspek matapos tangkaing bumili ang mga undercover na pulis ng sim card sa mga suspek.
Ayon kay Police Col. Jay Guillermo, Deputy Chief ng PNP-ACG Crime Response Unit, ang mga prepaid sim card ay kayang makapag transfer ng pera, kayang makabili at makabenta online.
Kaya din nitong manakaw ang mga pera mula sa mga gcash at iba pang E-wallet accounts.
Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek ngunit base sa inisyal na imbestigasyon, binibili ng mga mamimili ang bawat sim card sa halagang P150 tsaka iaalok sa mga online hackers ng tig-P400.
Dahil dito, nagbabala sa publiko ang mga otoridad laban sa pagbebenta ng mga prepaid card at personal information.