Maghaharap ang dalawang atletang Pinoy para paglabanan ang gold at silver medal sa Southeast Asian (SEA) Games 9-ball finals sa Hanoi, Vietnam.
Dinispatsa nina Carlo Biado at Johann Chua ang kani-kanilang mga kalaban sa semifinals para mailatag ang All-Filipino Gold Medal Match sa Men’s 9-Ball Pool single finals.
Dahil dito, sigurado na ang karagdagang gold at silver medal ng Pilipinas mula mga atletang lumahok sa SEA Games.
Sa ngayon patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng medalya at karangalan ng bansa mula sa nasabing kompetisyon kung saan, nananatiling nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas na mayroong 37 gold medals; 49 silver medals; at 80 bronze medals.