Malalim na sugat sa noo ang inabot ng isang babae matapos itong makipag-away at takungin sa noo ng kaniyang katrabaho sa loob ng club sa Malate, Maynila.
Ayon sa Ermita Police Station, agawan sa kostumer ang ugat ng away ng dalawang babae na sina alyas Lei at Ana.
Nagsimula muna sa parinigan ang eksena ng dalawa hanggang magkasagutan at humantong sa pisikalan.
Sa kasagsagan ng kanilang rambulan, hinubad ng isa ang kanyang sapatos at tinakong sa noo ang kaaway.
Dahilan para dalhin ito sa ospital.
Plano umano nitong kasuhan si ana sa kanyang sinapit.