Nagpasok ng not guilty ang dalawang babaeng dawit sa pagpatay kay Kim Jong Nam, ang half-brother ni North Korean Leader Kim Jong-un.
Kasunod na rin ito nang pagsisimula ng trial ng nasabing kaso sa Malaysia.
Ang Indonesian national na si Siti Aisyah at Vietnamese national Doan Thi Huong ay nagpasok ng kanilang plea sa Shah Alam High Court sa pamamagitan ng kanilang interpreters.
Ang mga akusado ay inaresto ilang araw lamang matapos mapaslang si Kim Jong Nam habang naghihintay sa Kuala Lumpur airport na makasakay ng eroplano pa Macau noong Pebrero 13.
Inakusahan ang mga nasabing babae na pagbuhos ng nakakalasong VX nerve agent sa mukha ng biktima at sinabing pinaniwala silang bahagi lamang ito ng prank para sa isang reality TV show.