Hindi kumporme si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ideya na tumakbo siya sa pagka-senador sa taong 2019.
Sa halip ay inendorso ni Carpio ang dalawang babaeng kandidato na “competent” aniya na magsilbi sa publiko.
Partikular na tinukoy ng alkalde sina Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson at dating senador at kasalukuyang kongresista ng Taguig City na si Pia Cayetano.
Sa “Tapang at Malasakit” activity sa Hong Kong, hinimok ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na dumalo sa nasabing event na suportahan sina Uson at Cayetano.
—-