Dalawang babaeng patungong United Arab Emirates (UAE) ang pinigil ng mga otoridad sa Clark International Airport.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, peke ang kontrata at mga dokumentong ipinakita ng dalawang Pinoy workers dahil hindi na-verify ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai.
Inamin aniya ng mga babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) na natanggap niya ang kanilang kontrata mula sa isang agent via online, isang araw bago sila nakatakdang mag biyahe.
Ang ganito aniyang paraan ay ginagamit din para ilegal na ilabas ang mga kababaihang Pinoy workers sa third world na bansa tulad ng Syria.
Una nang nakita ng inspection officers ang pagkakaiba sa mga dokumentong iprinisinta ng mga OFW kaya’t ipina-verify ang mga ito sa BI travel control enforcement unit sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administration labor assistance center officer on duty sa Clark Airport at ma-check hindi verified ng POLO sa Dubai.