Puspusan ngayon ang rescue operation ng Philippine National Police o PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP sa 2 babaeng pulis at 2 lalaking sibilyan na dinukot ng hinihinalang Abu Sayyaf Group sa Patikul Sulu, kahapon.
Kinilala ang mga ito na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad na naka-assign sa PNP Region 9 Crime Laboratory.
Habang ang 2 pang lalaking sibilyan na kasama nilang dinukot ay kinilala namang sina Jakosalem Ahamad Blas at Faizal Ahidji.
Ayon kay Brig. Gen. Cirlito Sobejana, commander ng AFP Joint Task Force Sulu, pasado alas-12:30 ng tanghali kahapon nang harangin ng nasa 11 armadong kalalakihan na miyembro umano ng Abu Sayyaf ang isang tricycle na sinasakyan ng mga biktima.
Isang Mujir Yada ang namuno umano sa pagdukot.
Sinabi naman ni PNP Chief Oscar Albayalde na hindi pa ngayon nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga suspek.