Bangkay na nang matagpuan ang katawan ng dalawang Scandinavian na babaeng turista sa High Atlas Mountains sa Morocco, Africa.
Suspetsa ng mga awtoridad sa Morocco, sinadyang patayin ang dalawang turista dahil sa laslas ng mga ito sa leeg.
Arestado naman ang tatlong hinihinalang suspek at kasalukuyang iniimbestigahan ang motibo sa paggawa ng naturang krimen.
—-