Nagpapatrolya ngayon sa Sulu Sea at West Philippine Sea ang dalawang bagong barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Kahapon, Nobyembre 19, nagsagawa ng isang send off ceremony sa BRP Cabra na idineploy sa Sulu Sea habang ang BRP Sindangan sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG, layon ng pagpapatrolya na mapaigting ang seguridad sa karagatang nasasakupan ng Palawan.
Kabilang umano sa mga kailangan bantayan ay piracy, smuggling, pagsalaula sa kalikasan, human trafficking, at terrorismo.
Kasabay nito, nilinaw ng PCG na walang kinalaman ang naturang hakbang sa mga namataang Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.