Nadagdagan ng dalawa ang death toll ng Pilipinas sa COVID-19.
Kabilang sa 14 na ngayong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19 ang isang 76 na taon at 67 taong gulang na mga lalaking Pinoy.
Ang 76 na si patient 126 ay nasawi dahil sa acute respiratory distress syndrome at severe pneumonia matapos unang ma-admit sa Adventist Medical Center-Manila noong March 9.
Nag positibo ito sa COVID-19 noong March 15 at mayroong type 2 diabetes at hypertensive cardiovascular disease.
Nasawi naman sa Lung Center of the Philippines ang 67 taong gulang na si patient 129 na nagpositibo sa COVID-19 noong March 15.
Nagtataglay ito ng community acquired pneumonia at hypertensive.
Samantala umakyat na sa 187 kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pahayag ng Department of Health (DOH) ng 45 kumpirmadong bagong kaso ng COVID-19.
Iniulat din ng DOH ang pagrekober ng isang pasyente kaya’t apat na ang nakakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.
Tinukoy ng DOH ang nasabing nakarekober na si patient 25, isang 31 anyos na lalaking Pinoy na mula sa MV Diamond Princess na isinailalim sa quarantine sa Yokohama, Japan.
Siya ang ikalawang Pinoy na naka rekober mula sa COVID-19.