Nakatakda ng magbukas ngayong araw ang dalawang panibagong istasyon ng LRT-2 East Extension.
Ayon sa Department of Transportation, dalawang linggong ipatutupad ang libreng sakay para sa mga commuter sa Marikina at Antipolo Stations.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Transportation Secretary Arthur Tugade.
Inaasahang aabot na sa 320,000 ang passenger capacity ng LRT-2 sa pag-arangkada ng East Extension mula sa kasalukuyang 240,000.
Mapapabilis din sa 30-45 minutos ang biyahe mula Recto, Maynila hanggang Masinag, Antipolo City sa Rizal pabalik kumpara sa dalawa hanggang tatlong oras na road travel. —sa panulat ni Drew Nacino