Nadagdagan pa ng dalawa ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 Omicron variant sa bansang Israel.
Ayon sa ulat, medical staff ng sheba hospital ang mga doktor na pumunta sa South Africa at doon nahawa ng sakit.
Bukod dito kapwa nakatanggap na ng tatlong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang mga ito.
Sinabi naman ni Israel Health Minister Nitzan Horowitz na walang dapat ikabahala dahil maliban sa mild symptoms lamang ang nararamdaman ng mga doktor ay kontrolado aniya ng bansa ang sitwasyon.
Sa ngayon, umabot na sa 34 na mga Israelis ang pinaghihinalang dinapuan ng Omicron virus na inoobserbahan na ng mga health authorities.