Pasok na sa koponan ng San Miguel Beermen ang dalawang dating manlalaro mula sa D-League gayundin ng De La Salle Green Archers ng UAAP.
Maglalaro para sa koponan sa loob ng dalawang taon sina Van Opstal ng Archers habang isang taon naman si Rashawn McCarthy ng D-League.
Gayunman, hindi na nagdetalye pa ang pamunuan ng Beermen hinggil sa kung magkano ang nilagdaang kontrata ng dalawa para sa koponan.
Ngunit, inaasahang malaking tulong ang dalawa lalo’t nakatakdang makaharap ng Beermen ang Star Hotshots sa pagbubukas ng bagong season ng PBA.
By Jaymark Dagala
Photo: FOX Sports Asia