Itinalaga ni PNP Chief Oscar Albayalde ang dalawang bagong opisyal ng pulisya para sa Civil Security Group (CSG) at Eastern Police District (EPD).
Epektibo ngayong araw, pangungunahan na ni Brig. Gen. Roberto Fajardo, hepe ng Highway Patrol Group (HPG) ang CSG na siyang tututok sa business operations ng lahat ng organized private security personnel, detective agencies, company guard forces at iba pa.
Samantala, bagong director naman ng Eastern Police District si Brig. Gen. Johnson Almazan na dating hepe ng Directorate of Integrated Police Operations for Visayas.