Dagdag na dalawang train sets ng Philippine National Railways (PNR) ang nakatakdang bumiyahe kapag natapos na ang enhanced community quarantine.
Ipinabatid ni PNR General Manager Junn Magno na gagamitin kaagad ang dalawang train sets para sa commercial service matapos makakuha na ng rams validation.
Ang Diesel Multiple Unit (DMU) ay bahagi ng train sets mula sa Indonesian rolling stock manufacturer na Pt Industri Kereta Api.
Ang mga nasabing tren ay nasa Tayuman Yard na.