Isa hanggang dalawang bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan ng Disyembre.
Ito ay batay sa climatological tracks ng tropical cyclones sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ni PAGASA Weather Specialist Benison Estareja na sakaling pumasok sa bansa ang mga bagyo ay pangangalanan itong “Rosal” at “Samuel.”
Kadalasan naman anyang tumatama ang bagyo tuwing Disyembre sa gitnang bahagi o katimugan ng bansa tulad ng Bicol region, Visayas at Northeastern Mindanao.
Samantala, mataas ang tiyansang mag-landfall at maging super typhoon ang mga papasok na bagyo. – sa panulat ni Hannah Oledan