Patuloy na pinalalakas ng dalawang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang hanging habagat.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang bagyong may international name na Soulik ay huling namataan sa layong 1,580 silangan hilagang silangan ng extreme northern Luzon.
Samantala namataan sa Pacific Ocean ang bagyong Maron.
Bagama’t hindi inaasahan ang pagpasok ng dalawang bagyo sa bansa, pinalalakas naman nito ang habagat na nagdadala ng pag-ulan sa iba’t ibang panig ng bansa.
—-