Mababa na ang tiyansang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang dalawang bagyong binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Meari na nasa Dagat Pasipiko ay kumikilos na papalayo ng PAR sa direksyong hilagang silangan.
Ipinaliwanag ng PAGASA na lalakas ang ridge of high pressure sa ilalim ng bagyong Meari kayat inaasahang bubuntot o susunod dito ang isa pang bagyo.
Samantala, inaasahang malulusaw na rin ngayong araw ang Low Pressure Area (LPA) na nagdadala naman ng maraming pag-ulan sa bahagi ng Bicol at eastern Visayas.
Gayunman, patuloy na inaalerto ng PAGASA ang mga taga-southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa patuloy na pag-iral ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
By Ralph Obina