Huhukayin ng Ozamiz City Philippine National Police (PNP) ang dalawang balon na umano’y na pinaglibingan ng mga taong pinaslang ng mga Parojinog sa lungsod.
Ito ay ayon kay Ozamiz City Police Chief Superintendent Jovie Espenido, kasunod na rin aniya ng pagbubunyag ng ilang opisyal ng barangay na inutusan sila ng mga Parojinog na ipatapon sa nasabing balon ang mga bangkay ng kanilang mga napatay.
Ani Espinido, makikita ang nasabing mga balon malapit sa tahanan ng tumakas na si Councilor Ricardo Parojinog sa Barangay Bagakay.
Una na nang lumutang ang isang hitman ng mga Parojinog at nagbunyag ng mga patayang iniutos ng pamilya sa Ozamiz City.