Natagpuan ng Philippine Navy ang dalawang bangkay ng ilan sa mga nawawalang pasahero ng isang bangka na tumaob sa karagatang sakop ng Bakungan Island sa Patikul, Sulu.
Kinilala ng Naval Forces Western Mindanao ang mga nasawi na sina Hja Suhula Radjuli, 70 taong gulang, at Sitti Kalasahan Radjuli, 33 taong gulang.
Bukod sa mga natagpuang patay, 17 iba pa ang nasagip, kabilang ang isang taong gulang na bata.
Sa imbestigasyon, hinampas umano ng malalaking alon ang bangkang “Friendly” kaya’t tumaob ito malapit sa naturang isla.