Pormal nang tinapos ng 2 bansa sa Europe ang mandatory na pagsuot ng facemask at pagsunod sa social distancing.
Kabilang sa 2 bansang nagbalik na sa normal situation ay ang Netherlands at Belgium.
Ayon sa gobyerno ng 2 bansa, kailangan paring magsuot ng facemask kung pupunta sa airport at sasakay ng mga pampublikong sasakyan.
Required din na ipakita ang entry pass at vaccination card o negative QR code sa mga restaurant, sinehan, museum at iba pang mga aktibidad.
Nagpaalala rin ang gobyerno na huwag paring magpakampante at panatilihing maging maingat laban sa banta ng Covid-19.
Sa ngayon, target parin na mapataas ang mga fully vaccinated sa Netherlands at Belgium. — Sa panulat ni Angelica Doctolero