Isinailalim sa anim na araw na lockdown ng Lokal na Pamahalaan ng Baguio City ang barangay Poliwes at barangay San Vicente.
Itoy dahil umano sa kabiguan ng mga residente doon na sundin ang COVID-19 protocols na ipinag-utos ng pamahalaan.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamine Magalong, nagdesisyon syang isailalim sa lockdown ang dalawang barangay na ito dahil sa kanilang paglabag sa mga health protocols ng Department of Health (DOH) tulad ng hindi pagsusuot ng facemask, pag-iinuman, pakalat-kalat sa kalsada, pagtsitsismisan, at kawalan ng control sa mga bata na hinahyaan lamang na maglaro sa labas ng kanilang mga pamamahay.
Ito na aniya ang ikalawang beses na inilagay ng Baguio City LGU sa lockdown ang brgy. San Vicente.
Alinsunod sa lockdown rules, hindi pinapayagang makalabas ng kanilang bahay ang mga residenteng hindi kabilang sa mga itinuturing na authorized person to go outside.
Paliwanag ni Magalong, partikular na papayagang makalampas ng barangay checkpoint ay ang mga may emergency cases at mga nagtatrabaho.
Matatandaang, isa ang nagpositibo sa COVID-19 sa barangay Poliwes at 16 ang hinihinalang mga virus habang may 31 suspected cases naman sa barangay San Vicente at isa ang probable case.
Samantala, pinag-aaralan pa ni Mayor Magalong kung isasailalim rin sa lockdown ang barangay Victoria at barangay Bakakeng Central Purok 6 dahil sa kapareho ring dahilan.
Kasalukuyang nasa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong lunsod ng Baguio.