Isinailalim sa isang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Caloocan City.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Caloocan City, ipinatupad ang lockdown sa barangay 95 at barangay 97 simula kahapon July 26 at tatagal hanggang August 1.
Layunin anila nito ang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa dalawang barangay.
Batay sa pinakahuli nilang tala, nasa 20 na ang kaso ng COVID-19 sa barangay 95 habang 13 sa barangay 17.
Samantala umabot na rin sa 2,083 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Caloocan City kung saan 1,201na ang gumaling habang 103 ang nasawi.